|
Ang Amyotrophic Lateral Sclerosis (ALS) o tinatawag ding sakit ni Lou Gehrig (isang tampok na atleta ng beysbol) ay isang progresibong sakit sa bandang bahagi ng ulo na pumipinsala o nakakaapekto sa may tatlumpung libong (30,000) Amerikano, at gayundin, sa may mga limang-libong (5,000) bagong mga kaso ng ganitong karamdaman sa Estados Unidos bawat taon.
Ang ALS ay kabilang sa uri ng mga disorder na kilala din sa tawag na mga karamdamang pumipinsala sa motor selula ng nerbiyo. Ang Motor Neurons ay mga nerve cells na makikita sa utak, sa mga sanga-sangang ugat ng ating utak, at sa kord ng ating gulugod (spinal cord) na nagsisilbing mga bahagi na nagmamaneho at mahahalagang dugtong ng komunikasyon (vital communication links) sa pagitan ng nervous system at ng mga boluntaryong kalamnan o muscles ng ating katawan. Ang pagkawala ng mga cells na ito ang nagdudulot sa ating mga muscles na manghina at tuluyang mawalan ng lakas upang pagalawin ang ating katawan hanggang ito ay tuluyang maparalisa. Ito ay karaniwang nakamamatay sa loob lamang ng limang (5) taon pagkatapos ng diyagnosis o pagkilala sa sakit o karamdaman.
Nakikita ang paglabas ng ALS sa maraming paraan na may kaugnayan sa paghina ng mga muscles, depende kung anong bahagi ng katawan ang unang panghinaan o tamaan ng mahihinang mga masel. Halimbawa, ang mga palatandaan o sintomas nito ay maaaring makita sa pagbagsak o pagkadapa, kawalan ng kontrol o lakas sa mga kamay at paa, hirap sa pagsasalita, paglunok at paghinga, patuloy na pagkahapo o pagkapagod, at panghihilab ng mga kalamnan o muscles. Karaniwang tinatamaan o dinadapuan ng ALS ang mga taong nasa kalagitnaan ng kanilang buhay o tinatawag na mid-life. Halos isa at kalahating beses and posibilidad ng mga kalalakihan na magkaroon ng ganitong karamdaman tulad ng mga kababaihan.
Dahil sa mga motor neurons lang ang tinatamaan o naaapektuhan ng ALS, ang karamdamang ito ay hindi naman nakakasira sa pag-iisip, personalidad, talino at alaala ng isang tao. Hindi rin ito nakakaapekto o nakakapinsala sa abilidad ng isang tao na makakita, makaamoy, makalasa, makarinig at makakilala ng hipo o makaramdam. Ang mga pasyente na may ganitong karamdaman ay karaniwang may kakayahang mapanatili ang kontrol sa mga muscles sa kanilang mata, pantog at pagganap o pagtupad sa gawain ng bituka (bowel functions).
Walang lunas sa sakit na ALS, at wala ring tiyak na terapy upang pigilan o puksain ang ganitong sakit. Ang Food and Drug Administration (FDA) ay kamakailan lamang nagpatibay sa Riluzole, ang kauna-unahang gamot na nagpapakita ng kakayahang magpahaba at magpanatili sa buhay ng mga pasyenteng may ALS. Pinaniniwalaan na ang Riluzole ay nagpapaliit ng pinsala o sira sa motor selula ng nerbiyo sa pamamagitan ng pagbababa at paghina sa paglabas ng glutamate. Ipinakita rin sa mga pagsubok na ginawa ng mga klinika na pinahahaba o pinananatili ang buhay ng mga pasyenteng may ALS ng ilang buwan, karaniwang doon sa mga may kahirapan sa paglunok. Ang gamot na ito ay nagpapahaba rin ng panahon ng isang pasyente bago pa ito mangailangan ng suporta sa bentilasyon. Hindi na kayang maibalik ng gamot na Riluzole sa dating kalagayan at kundisyon ang pinsala na dala ng ALS sa motor neurons ng mga pasyenteng dinapuan na nang ganitong karamdaman, kaya dapat na subaybayan ang mga pasyenteng gumagamit ng gamot na ito upang maiwasan ang pinsala sa atay at iba pang posibleng mapanirang epekto ng gamot na ito sa katawan.
Makakadagdag tulong sa kaligtasan at pagsisikap sa sarili ng pasyente habang lumalaban sa kanyang karamdaman ang mga espesyal na kagamitan at terapiyang pangpisikal o pangkatawan (physical therapy). Ang mga galaw o aerobic na ehersisyo na hindi na nangangailangan ng matataas na kilos ay nakakapagpalakas sa mga hindi apektadong mga muscles gaya ng paglalakad, paglangoy, istasyoneryong pagbibisikleta. Ang mga ehersisyong ito ay nakapagpapabuti rin sa kundisyon ng puso at buong kalusugan, at nakakatulong din sa mga pasyenteng labanan ang pagkahapo at kalungkutan dala ng ganitong karamdaman. Ang lawak sa pagkilos o pag-eehersisyo ay makakatulong din sa pagpigil sa mga masasakit na hilab ng mga kalamnan o muscles. Ang mga occupational therapists ay nakabibigay din ng mga suhestiyong tulong sa pagpapasigla ng katawan ng mga pasyente sa pamamagitan ng paggamit ng mga rampa, tukod, walkers at mga silyang de gulong.
Kung ang mga kalamnan na tumutulong sa paghinga ay tuluyan nang humina, ang paggamit ng ventilatory support (intermittent positive pressure ventilation-IPPV) o ang paggamit ng bilevel positive airway pressure (BIPAP) naman ang maaaring gamitin upang makatulong sa paghinga ng pasyente habang ito ay natutulog. Kung ang mga kalamnan o mga muscles ay hindi na kayang humawak ng oxygen at carbon dioxide ang mga kagamitang ito ay maaari ring gamitin nang buong panahon.
Ang mga taga-alaga sa tahanan at taga-alagang opisyal at mga narses sa mga institusyong ito ay tumutulong sa mga pasyente, kani-kanilang pamilya, at ang mga caregivers o kumakalinga sa mga pasyenteng ito para sa kanilang pangmedikal, emosyonal, at pinansiyal na pangangailangan upang maibsan ang hirap at mapagtagumpayan ang pakikibaka nila sa ALS lalung-lalo na sa mga huling panahon ng kanilang buhay. Nagbibigay ng suporta sa pagkakaloob ng tulong pinansiyal ang mga social workers, gayundin sa pag-aasikaso ng pagsasalin ng kapangyarihan sa tulong ng abogado sa isang kaanak o sinuman na makisama at makialam sa pag-aayos ng mga ari-arian ng pasyente sa panahong ito ay mamatay na, paghahanda ng huling bilin, at paghahanap ng mga grupong suporta para sa mga pasyente at kumakalinga sa kanila.
Mga Pinagkunang Materyal: Pambansang Instityut sa Karamdaman Ng Nerbiyo at Stroke, Asosasyon ng ALS
|