Pagbabalik sa kalsada

Mayroong higit pa sa pagkakaroon ng isang set ng mga gulong kaysa sa pagpunta mula dito hanggang doon. Ang paglundag sa loob ng isang kotse ay isang tiket sa kalayaan, pagsasarili at pakikipagsapalaran.

Para sa mga taong bago sa paralysis, ang pagmamaneho ay isang tiyak na paraan upang makabalik sa indayog ng mga bagay-bagay. Ngunit magagawa mo ba ito? Makakayanan ba ng isang taong paralisado ang umupo sa likod ng manibela at ikontrol ang makina at trapiko?

Napaka-posible ang pagmamaneho para sa maraming tao na paralisado, kahit na para sa mga may limitadong pagkilos ng kamay at braso. Malawak ang saklaw ng mga naiaangkop na kagamitan sa pagmamaneho at mga pagbabago sa sasakyan na nasa merkado ngayon.

Ang pagmamaneho ng may kapansanan ay madalas na nangangahulugan ng muling pag-aaral ng pagmamaneho. Ang mga patakaran sa kalsada ay hindi nagbabago, ngunit ang mga kontrol ay nagbabago. Depende sa mga partikular na pangangailangan ng isang tao, ang mga sumusunod ay maaaring isama sa isang naiaangkoo na sasakyan:

  • Mga kontrol na ginagamitan ng kamay para sa pagpreno at pagpapabilis
  • Mga aparato na ginagamitan ng de-kuryente upang mapadali ang paggamit
  • Mga ignition pad at mga gear shift na napipindot
  • Mga naaayos na upuan ng drayber
  • Mga pinto na kusang bumubukas
  • Mga joystick para sa mga taong may lubhang limitadong pagkilos ng kamay

Para sa isang tao na na-stroke, ang isang spinner knob ay maaaring ikabit sa manibela para sa pagkontrol ng manibela gamit lang ang isang kamay. Ang isang kaliwang pedal ng gas ay maaaring iakma kung ang kanang paa ay hindi makakayang magpatakbo ng gas.

Pagsusuri sa pagmamaneho

Ang unang hakbang sa proseso ay pagkuha ng isang pagsusuri mula sa isang kwalipikadong tagapagsanay ng drayber. Tutukuyin nito ang mga pangunahing paghahanda para sa pagmamaneho, mga tukoy na pagbabago at kagamitan sa pagmamaneho na tutugma sa iyong mga pangangailangan.

Kasama sa pagsusuri ang mga sumusunod:

  • Pagsusuri sa paningin at lakas ng kalamnan
  • Kakayahang umangkop at saklaw ng paggalaw
  • Ang koordinasyon ng kamay at mata, at bilis ng reaksyon
  • Pahuhusga at paggawa ng desisyon
  • Kakayahang humawak ng naiaangkop na sasakyan

Maaari ring isaalang-alang ng isang tagasuri ang mga gamot na iniinom ng isang potensyal na drayber.

Upang makahanap ng kwalipikadong tagasuri, bisitahin ang iyong lokal na sentro ng rehabilitasyon o makipag-ugnay sa Association for Driver Rehabilitation Specialists (ADED), na nagpapanatili ng isang listahan ng mga sertipikadong espesyalista sa buong bansa.

Sa pagkuha ng isang bagong lisensya sa pagmamaneho, ang karamihan ng mga estado ay nangangailangan ng isang balidong permiso ng mag-aaral o lisensya sa pagmamaneho upang makatanggap ng isang pagsusuri na pang-kalsada. Hindi ka maaaring tanggihan ng pagkakataong mag-aplay para sa isang permiso o lisensya dahil mayroon kang kapansanan, ngunit maaari kang makatanggap ng isang pinaghigpitang lisensya batay sa mga kinakailangang sa naiaangkop na aparato.

Pagpili ng sasakyan

Sa sandaling makuha mo ang berdeng ilaw mula sa pagsusuri at departamento ng de-motor na sasakyan ng iyong estado, oras na upang isipin ang tungkol sa mga sasakyang angkop sa iyong mga kakayahan at pangangailangan.

Ang pagpili ng tamang kotse ay maaari kang ihantong sa mas maraming praktikal na sasakyan kaysa sa napili mo bago ang paralysis. Halimbawa, ang kotseng pang-dalawahan na pang-isport ay maaaring angkop sa imaheng mayroon ka sa iyong sarili ngunit mababa sa praktikalidad. Ang mga Minivan, ang mga kinakatakutan na mga mom-wagon na iyong isinumpang iiwasan, ay may mas mataas na silbi.

Makakatulong na makipag-ugnayan sa ibang mga indibidwal na may katulad na mga kapansanan upang makita kung ano ang kanilang minamaneho. Pagkatapos ay tiyaking makikipagtulungan sa tagasuri at isang kwalipikadong negosyante ng binabagong sasakyan.

Ang mga taong nakaupo sa kanilang wheelchair habang nagmamaneho o sumasakay sa mga minivan o mga malalaking van ay nangangailangan ng alinman sa isang manu-manong tie-down o lockdowns na ginagamitan ng power para sa kaligtasan. Karaniwang nangangailangan ang mga manu-manong sistema ng tulong sa pagpasok at paglabas. Pinapayagan ng mga power unit ang higit na kalayaan - gumulong ka lang sa puwesto at ang upuan ay kusang magsasarado.

Dahil walang paraan na ang isang tao ay maaaring magpatakbo ng isang van mula sa isang scooter, ang mga gumagamit ng scooter ay dapat na lumipat sa upuan ng sasakyan upang magmaneho. Magagamit ang mga electronic na upuan na makakatulong sa paglipat.

Mga tip upang makahanap ng kotse na aangkop sa iyong mga pangangailangan

Ang mga sumusunod na katanungan / tip ay maaaring makatulong sa proseso ng pagpili ng sasakyan o adaptation ng isang kotse na pagmamay-ari mo na:

  • Kailangan ba ng naiaangkop na kagamitan ang isang van, o maaari nang gamitin ang isang mas maliit na pampasaherong kotse? Sa madaling salita, magmamaneho ka ba mula sa isang wheelchair o maaari kang lumipat sa upuan ng kotse? Kung maaari kang lumipat sa kotse, ang iyong mga pagpipilian ay mas malawak.
  • Magkakasya ka ba sa isang minivan? Ang isang tao ay maaaring umupo ng mas mataas sa upuan at maaaring hindi magkasya sa kisame.
  • Maari bang magkasya sa sasakyan ang mga kontrol na ginagamitan ng kamay o iba pang kinakailangang kagamitan sa pagmamaneho?
  • Magkakaroon ba ng sapat na puwang upang magkasya ang iba pang mga pasahero sa sandaling ang sasakyan ay mabago?
  • Mayroon bang sapat na puwesto sa paradahan sa bahay at sa trabaho para sa sasakyan at para sa pagkarga / pagdiskarga ng isang wheelchair o walker? Magkaroon ng kamalayan na ang mga malalaking van ay maaaring hindi magkasya sa iyong garahe o sa mga pampublikong garahe o kahit na sa ilang mga paradahan.
  • Kung ang isang pangatlong partido ang magbabayad para sa sasakyan, mga naiaangkop na aparato, o mga pagbabago, mayroon bang mga limitasyon o paghihigpit sa kung ano ang sakop? Humingi ng isang kasulatan na nagsasaad kung ano ang babayaran ng isang ahensya sa pagpopondo bago bumili.
  • Kung ikaw ay magpapa-angkop ng isang ginagamit na van o sasakyan ng pamilya, siguraduhin na ang teknisyan ay may maraming karanasan.
  • Lahat ng mga elevator ay hindi nilikha pantay-pantay, ang ilan ay sadyang hindi magkakasya. Gayundin, ang ilang mga elevator ay itinayo para sa mga gumagamit ng wheelchair at maaaring hindi magamit ng mga gumagamit ng scooter.

Malaki ang pagkakaiba-iba ng gastos sa pagbabago ng sasakyan. Ang isang bagong sasakyang binago na may naiaangkop na kagamitan ay maaaring magkahalaga kahit saan mula $ 20,000 hanggang $ 80,000.

Maging isang matalinong mamimili; siyasatin ang pampubliko at pribadong tulong pinansyal. Makipag-ugnay sa departamento ng rehabilitasyong bokasyonal ng iyong estado o ibang ahensya na nagbibigay ng mga serbisyong bokasyonal at, kung naaangkop, ang Department of Veteran’s Affairs.

Gayundin, isaalang-alang ang sumusunod upang matulungan ang pananalapi para sa iyong bago o adapted na sasakyan:

  • Ang ilang mga nonprofit na grupo na tumutulong sa mga indibidwal na may mga kapansanan ay mayroong mga programang nagbibigay ng tulong hinggil sa mga naiaangkop na aparato.
  • Kung mayroon kang pribadong insurance na pangkalusugan o compensation para sa mga manggagawa, maaari kang masakop para sa mga naiaangkop na aparato at pagbabago ng sasakyan. Sumangguni sa iyong tagadala ng insurance.
  • Maraming mga tagagawa ng sasakyan, kabilang ang Toyota, Chrysler, Ford, at General Motors, na nagbibigay ng mga rebate o isinasauling-nagastos para sa mga sasakyang mababago.
  • Ang ilang mga estado ay pinapagpaliban ang buwis sa pagbebenta ng mga naiaangkop na aparato kung mayroon kang reseta ng doktor para sa kanilang paggamit. Maaari ka ring maging karapat-dapat para sa pagtipid na kaugnay sa gastos medikal sa iyong pederal na buwis sa kita or sweldo; kumunsulta sa isang dalubhasa sa buwis.

Maghanap ng isang kwalipikadong dealer upang baguhin ang iyong sasakyan. Magtanong, suriin ang mga kredensyal at mga sanggunian.

  • Nakikipag-ugnay ba sila sa mga tagasuri?
  • Susuriin ba nila ang iyong sasakyan bago mo ito bilhin?
  • Nangangailangan ba sila ng reseta mula sa isang manggagamot o iba pang espesyalista sa pagsusuri ng drayber?
  • Nagbibigay ba sila ng pagsasanay sa kung paano gamitin ang kagamitan?
  • Nagbibigay ba sila ng serbisyo? Magkano? Gaano katagal bago magawa ang trabaho? Ano ang garantiya?

Pagmamaneho gamit ang Joystick

Pinapayagan ng joystick ang mga indibidwal na nabubuhay na may quadriplegia na makabyahe sa kalsada. Sapat na ang panahong itinagal ng mga sistema ng kotse na gumagamit ng joystick upang maitaguyod ang kanilang kaligtasan, pagiging maaasahan at kakayahan.

Maaari mong kaharapin ang isang pagpipilian sa pagitan ng isang mekanikal / haydrolikong sistema (tulad ng sa isang eroplano) o elektronikong sistema (tulad ng sa isang PlayStation). Maaari itong humantong sa iyong antas ng ginhawa para sa mga elektronik at anumang pag-aalala tungkol sa isang kabuuang pagbagsak ng power pagsapit ng 70 mph.

Ang isang kumpanya sa California na tinawag na dSi ay sinasadyang mag-angkop sa bawat drayber ng kanilang mekanikal na sistema na tinatawag na Scott. Sinasabi ng kompanya na ang mekanikal ay mas maaasahan at mas malinis kaysa sa elektronik. Gusto nilang gumagamit ng mga malalaking Ford vans at makipag-ugnay sa mga drayber (kasama ang ilan na may spinal cord injury hanggang sa C4 / C5) na nakapaglista na ng higit sa 300,000 milya sa sistema.

Nag-aalok ang EMC ng isang electronic na solusyon na tinatawag na Aevit 2.0. Ang isang pangunahing bentahe ng Aevit ay ang hindi pangangailangan ng pagbabago ng orihinal na kagamitan ng preno, at steering at airbag assemblies. Nangangahulugan ito na maaari mong ibenta muli ang sasakyan nang wala ang mga binago. Gayundin, ang isang sistemang Aevit ay maaaring patakbuhin ng isang drayber na walang kapansanan. Sa kabilang panig, ang sistema ng Scott ay pang-joystick lamang.

Kung iniisip mo ay patungo sa paggamit ng joystick, hindi ka makakakuha ng isa nang walang referral mula sa isang nagtuturo ng pagmamaneho. Gayun pa, ang kahalagahan ng pagsasanay ay hindi maaaring maliitin.

Ang isang sistema gamit ang joystick ay tatakbo paitaas nang $ 40,000 hanggang $ 65,000, idagdag pa ang gastos sa van. Ang mga ikatlong partido, kabilang ang pribadong insurance, bokasyonal na rehab at ang VA, ay nakapagbayad para sa mga pagbabagong ito, kaya siyasatin ang iyong mga pagpipilian. Bilang karagdagan, tanungin ang bawat tagagawa ukol sa sanggunian ng mga gumagamit at kung posible, ikaw mismo ang sumuri sa sistema.

Mga diskwento sa sasakyan

Ford Mobility Motoring ay nag-aalok ng hanggang $1,000 na tulong patungo sa gastos sa mga naiaankop na aparato sa isang bagong sasakyan na Ford, Lincoln o Mercury. Ford Mobility Motoring Customer Care Center.

GM Mobility Program ay nag-aalok ng hanggang $1,000 sauliang-bayad ($1,200 sa Chevy Express / GMC Savana vans) saka dalawang dagdag na taon ng serbisyo sa kaligtasan at seguridad ng OnStar sa anumang karapat-dapat na bagong sasakyan ng GM (maliban sa Cadillac).

Toyota Mobility Program ay nagbigigay sauliang-bayad na cash ng hanggang $1,000 patungo sa aftermarket na naiaangkop na kagamitan o conversion na naka-install sa anumang karapat-dapat na binili o inupahang bagong Toyota.

Ang Chrysler Automobility Program ay nagbibigay ng hanggang sa $1,000 na tulong pinansyal patungo sa pag-install ng mga naiaangkop na kagamitan sa mga bagong sasakyan ng Chrysler, Jeep at Dodge.

Hyundai Mobility Program ay nag-aalok ng $1,000 patungo sa gastos sa naiaangkop na kagamitan. Sumangguni sa dealer para sa higit pa.

Volvo Mobility Program ay nagbibigay ng sauliang-bayad ng hanggang $1,000 patungo sa gastos sa mga naiaangkop na kagamitan na idagdag sa isang bagong Volvo. Mobility by Volvo Center.

Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon

Kung naghahanap ka ng karagdagang impormasyon ukol sa mga naiaangkop na mga sasakyan o may katanungan, mayroon tayong mga information specialist sa araw ng pasok at trabaho, mula Lunes hanggang Biyernes, toll-free 800-539-7309 mula 9:00am hanggang 5:00pm ET.

Bilang karagdagan, ang Reeve Foundation ay nagpapanatili ng fact sheet tungkol sa pagmamaneho na may kapansanan na may karagdagang mga mapagkukunan impormasyon at tulong mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng Reeve Foundation. Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga mapagkukunan ng estado hanggang sa pangalawang komplikasyon ng paralysis.

Hinihikayat namin kayo na makipag-ugnay sa mga sumusuportang grupo at organisasyon, kabilang ang:

I-download ang Sangguniang Gabay Ukol sa Pagkabaldado ng Reeve Foundation
Narito kami upang tumulong

Ang aming pangkat ng mga informational specialist ay may kakayahang tumugon sa mga tanong at magbigay ng impormasyon sa mahigit 170 wika.

Mangyaring tumawag sa 800-539-7309

(Ang gagamitin ng mga international na tumatawag ay 973-467-8270)

Lunes-Biyernes mula 9:00am-5:00pm ET o ipadala ang inyong tanong.