Mga tip upang manatiling malusog habang naglalakbay

Sa bahay man o sa kalsada, mahalagang unahin ang iyong kalusugan. Si Cristina Sadowsky, M.D., doktor sa Kennedy Krieger at Johns Hopkins sa Baltimore, Maryland, ay nagbabahagi ng mga simpleng tip sa paglalakbay upang matiyak na ang mga indibidwal na mayroong paralysis ay malusog at ligtas.

Manatiling may supply

  • Kumuha ng reseta ng iyong dadalhin na pinaka-mabisang antibiotics para sa 10 araw habang naglalakbay o punan ang iyong mga reseta ng isang national pharmacy chain.
  • Ang ilang mga gamot (tulad ng nPhenol, para sa mga neurolytic block) ay hindi kakayanin ang direktang sikat ng araw. Sasabihin yan sa iyo ng doktor na gumagawa ng block at huwag itong dalhin sa isang paglalakbay.
  • Ang ilang mga gamot ay vasodilator na nagpapaluwag ng mga daluyan ng dugo, kaya maaari ka makaramdam ng hilo kapag nakaupo sa ilalim ng araw. Kasama sa mga halimbawa ang Nitroglycerin para sa autonomic dysreflexia at ilang mga gamot sa pantog tulad ng Flomax.
  • Siguraduhing huwag iwanan ang mga gamot sa ilalim ng direktang sikat ng araw o init.

Manatiling hydrated

Kung ano ang ipinawis mo, kailangan mong muling punan. Ang karaniwang nasa tamang gulang ay nangangailangan ng 2 litro ng likido bawat araw. Maaari itong maging 2 ½ litro dahil sa init sa tag-araw galing sa higit na pagpapawis.

Uminom ng parehong tubig at Gatorade, dahil mayroon itong mga electrolytes. Ang mga sekondaryang kondisyon ay isang pag-aalala para sa mga taong may paralysis, kaya huwag uminom ng anuman na may maraming asukal, tulad ng soda, dahil maaaring makasama ito sa iyong bato at pangkalahatang kalusugan ng pantog.

Bilang karagdagan, iwasan ang labis na pag-inom ng alak dahil ang pagluwang sanhi sa alkohol ay nagreresulta sa mas maraming pawis, na nangangahulugan na kailangan mong mas maging hydrated. Tandaan din na ang ilang mga gamot ay maaaring makipag-ugnay nang hindi maganda sa alkohol.

Magsuot ng sumbrero at naaangkop na pampatong

Ang mga indibidwal na may spinal cord injury ay nakakaranas ng hirap sa pagkontrol sa temperatura ng kanilang katawan. Magsuot ng isang sumbrero na wala gaanong kulay upang ilihis ang radyasyon, at iyong gawa sa materyal na hinahayaang tumagos ang hangin upang hindi mapanatili ang init o halumigmig.Ang paglipat mula sa mainit papunta sa malamig ay maaaring maging sanhi ng hirap sa paghinga o paghingal. Ang mga taong may mas mataas na antas ng kapansanan ay maaaring makaranas ng sobrang reaksyon ng sistema ng kanilang baga. Makakatulong sa regulasyon ng sistema ng temperatura ang mga pampatong upang maaari kang lumipat mula sa malamig papunta sa mas mainit na kapaligiran.


Uminon ng Vitamin C

Ang Vitamin C ay maraming benepisyo. Ito ay pinaniniwalaan na nagpapahusay ng kalidad ng balat at may positibong epekto sa isang neurogenic bladder o pantog.

Ang Vitamin C ay maaari ring makabawas sa panganib na magkaroon ng impeksyon sa ihi. Ang ilang mga dermatologo ay maaari ring sabihin sa iyo na bumili ng isang sunscreen na may Vitamin C.

Suriin ang iyong balat

Kung ang anumang bahagi ng iyong balat ay naging kulay rosas, takpan ito kaagad. Bigyan ng espesyal na pansin ang mga bahagi kung saan kaunti o walang pakiramdam. Siguraduhin na ang iba ay pinapanatili rin bukas ang kanilang mga mata para sa anumang hindi pangkaraniwang pagkawala ng kulay ng iyong balat.

Palaging gumamit ng sunscreen

  • Gumamit na hindi bababa sa SPF 15.
  • Siguraduhin na ang sunscreen ay may proteksyon sa UVA at UVB at kapwa magbabawas ng panganib sa kanser sa balat / melanoma.
  • Tandaan, mawawalan ng bisa ang mga losyon makalipas ang 12 buwan, siguraduhing papalitan.
  • Muling magpahid ng sunscreen tuwing dalawang oras, lalo na kapag nasa tubig o pinagpapawisan nang husto.

Gumamit ng repellant o nagtataboy sa lamok

Kung nasa kakahuyan o pangangaso, siguraduhing gumamit ng mga spray na pang-iwas sa sakit dulot ng garapata at Lyme.

I-download ang Sangguniang Gabay Ukol sa Pagkabaldado ng Reeve Foundation
Narito kami upang tumulong

Ang aming pangkat ng mga informational specialist ay may kakayahang tumugon sa mga tanong at magbigay ng impormasyon sa mahigit 170 wika.

Mangyaring tumawag sa 800-539-7309

(Ang gagamitin ng mga international na tumatawag ay 973-467-8270)

Lunes-Biyernes mula 9:00am-5:00pm ET o ipadala ang inyong tanong.