Join us on 9/19 for Super/Man: The Christopher Reeve Story Benefit Screening & Reception

Connect

Brachial plexus injury

Ano ang brachial plexus injury?

Ang mga brachial plexus injury ay sanhi ng sobra-sobrang pagkabanat, pagkapunit, o iba pang trauma sa isang network ng mga kaugatan mula sa spine papunta sa balikat, braso, at kamay.

Maaaring kabilang sa mga sintomas ang nanlalambot o paralisadong braso, kawalan ng kontrol sa kalamnan sa balikat, braso, kamay, o kakulangan ng pakiramdam o sensasyon sa braso o kamay.

Ang mga pinsala ay madalas na nagaganap na sekundarya sa mga aksidente sa sasakyan, mga pinsala sa sports, mga sugat mula sa tama ng baril, mga pag-opera. Maraming brachia plexus na mga pinsala ang nagaganap habang ipinapanganak, kung ang mga balikat ng sanggol ay mabangga o matamaan habang ipinapanganak (tinatawag na shoulder dystocia), na nagiging sanhi ng paghila o pagkapunit ng brachial plexus nerves.

Ang ilang mga brachial plexus injury ay maaaring gumaling nang kaunti o walang gamutan. Maraming mga bata ang humuhusay ang kalagayan o gumagaling sa pag-abot ng 3-4 na buwan. Para mapalawak ang saklaw na kilos at bilis ng rehabilitasyon, karaniwang ginagamit ang mga physical at occupational na therapy. Gayunman, ang ilang tila naka-recover na ay magkakaroon ng mga sekundaryang isyu pagkalipas ng ilang buwan o mga taon.

Paggagamot

Ang paggagamot para sa mga brachial plexus injury ay kinabibilangan ng occupational o physical therapy at, sa ilang mga kaso, pag-opera. Ang site at ang uri ng brachial plexus injury ang nagtitiyak sa prognosis.

Para sa abulsyon (pagkapunit) at mga rupture injury, walang posibleng paggaling maliban kung ang pagkakabit muli sa pamamagitan ng pag-opera ay ginawa sa oras.

Para sa neuroma (scarring) at neuropraxia (pagbabanat) na injury, ang posibilidad para gumaling ay mas nakaka-engganyo. Ang karamihan sa mga pasyente na may neuropraxia injury ay gumagaling na may malaking paggana sa pagkilos.

Ang pangunahing area na ikinababahala ng karamihan na may mga brachial plexus injury ay madalas ang pamamahala ng pananakit, na maaaring chronic at sukdulan, at hindi karaniwang mabuti ang pagtugon sa maraming mga pangpawala ng pananakit.

Iyong mga may kaugnayan sa panganganak na brachial plexus injury ay may malaking pagkakaiba-iba sa pananakit. Ang ilan ay hindi nakakaramdam ng sakit, dahil ang kanilang sensasyon ay humina; ang iba ay sobrang sensitibo sa sakit at pati na rin sa anumang stimulus.

Ang ilan ay kalaunan nakakaranas ng pananakit sa di naapektuhang panig dahil sa matagalang sobrang paggamit ng napinsalang braso para sa mga pang-araw araw na aktibidad.

Ayon sa United Brachial Plexus Network, ang ganitong mga obstetrical na pinsala ay hindi nauulat sa Centers for Disease Control; samakatuwid, maraming mga kaso ang maling na-diagnose o tinukoy bilang Erb’s Palsy.

Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon

Kung naghahanap kayo ng mas maraming impormasyon sa brachial plexus injuries o may tiyak na tanong, ang aming information specialists ay bukas tuwing may araw ng trabaho at pasok, Lunes-Biyernes, toll-free sa 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.

Bilang karagdagan, ang Reeve Foundation ay nagpapanatili ng isang fact sheet ng brachial plexus injury na may karagdagang mga mapagkukunan impormasyon at tulong mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon at tulong ng Reeve Foundation. Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga estadong mapagkukunan ng impormasyon at tulong hanggang sa sekundaryong komplikasyon ng paralysis.

Hinihikayat namin kayo na makipag-ugnay sa mga sumusuportang grupo at organisasyon, kabilang ang:

Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon: United Brachial Plexus Network, Brachial Plexus Palsy Foundation, National Institute of Neurological Disorders and Stroke.