Act Now: Thank Your Legislators for Fully Funding the PRC!

Connect

Pagbiyahe gamit ang inyong wheelchair

Mga tip sa paglalakbay mula sa ating komunidad

Tinanong namin ang apat na mga manlalakbay na gumagamit ng wheelchair na sabihin sa amin ang lahat tungkol sa mga tagumpay at kabiguan ng kanilang mga paglalakbay sa buong mundo, at magbigay ng ilang mga tip na maaari mong tandaan para sa iyong susunod na pakikipagsapalaran.

Mga Paglalayag o Cruise

“Ang pagbabyahing paglalayag o cruise ay marahil ang pinakamadaling ma-access na paraan upang maglakbay,” ayon kay James Glasbergen, Direktor ng Accessible Travel para sa Frederick Travel Waterloo at mayroong quadriplegia (C4). “Mayroong ilang mga partikular na linya ng cruise na may posibilidad na maging mas madaling ma-access; Royal Caribbean at Holland America, at ang dahilan ay paggamit ng tenders.”

Kapag ang mga barko ay kailangang mag-angkla sa dagat, gumagamit sila ng maliliit na bangka na tinatawag na tenders, upang madala ang mga pasahero sa baybayin. Kapag ang mga linya ng cruise ay walang access sa mga tender, ang mga gumagamit ng wheelchair, lalo na ang isang gumagamit ng wheelchair na pinapatakbo ng kuryente, ay maaaring hindi makaalis sa barko sa maghapon.

“Ang Holland America ay mayroong elevator para sa tender na kanilang ginagamit upang mailipat sa mga tender ang mga gumagamit ng wheelchair,” ayon kay Glasbergen. “Ang Royal Caribbean ay may mga rampa na ginagamit nila upang makarating mula sa barko papunta sa tender.”

Idinagdag ni Glasbergen na ang mga pangunahing linya ng cruise, tulad ng Celebrity, Princess at Norwegian, ay mayroong napakahusay na pag-access habang nakasakay.

Sa pangkalahatan, pinapayo ni Glasbergen na ilagay sa kasulatan ang mga detalyadong kumpirmasyon kapag naglalakbay. “Kung ako ay nagbu-book sa isang hotel na may roll-in shower,” paliwanag ni Glasbergen. “Palagi akong nagpapadala ng email sa hotel at ipinapalagay sa kasulatan na bibigyan nila ako ng isang silid na madaling ma-access na may isang roll-in shower. Madalas na kapag ikaw ay tumatawag para makakuha ng mga reserbasyon, hindi talaga alam ng mga operator ng telepono kung ano ang mayroon sa hotel o wala. ”

Si Mike Murphy, isang alumno ng Team Reeve na nabubuhay na may paraplegia (T9), ay naglakbay ng limang araw sa Royal Caribbean cruise. “Ang cruise mismo ay mayroong access na kamangha-mangha,” paliwanag ni Murphy, na gumagamit ng isang manu-manong wheelchair. “Ako ay gumawa ng maraming pagpaplano ukol sa cruise. Ang mga taong nakitungo sa akin ay kahanga-hanga at ang silid ay ganap na madaling ma-access. Ang banyo ay sapat na malaki, mayroon akong isang upuan na natitiklop sa paliguan, at walang mga problema sa silid. Mayroon lamang isang bahagi sa deck na may mga hagdan, ngunit hinila ako pataas ng aking mga kaibigan. ”

Sa mga gumagamit ng wheelchair na isinasaalang-alang ang isang cruise, sinasabi ni Murphy, “Kung may alinlangan, may pag-aakala na ang mga bangka ay maliliit at nakakakulong, hindi talaga iyon ang kaso. Tiyak na isang magandang karanasan ito.”

Paglalakbay sa himpapawid

Isang batas sa ilalim ng United States Code of Federal Regulation, U.S. Title 14 CFR Part 382, ang nagbibigay ng mga pag-iingat upang maiwasan ang diskriminasyon laban sa mga pasahero batay sa kanilang kapansanan.

Kahit na ang mga airline ay hindi pinahihintulutan na mangailangan ng pang-unang abiso mula sa pasahero na may kapansanan para makahingi ng tulong (maliban sa mga napaka-tukoy na kaso, tulad ng pangangailangang gumamit ng therapeutic oxygen sa sasakyang panghimpapawid) pinakamainam para sa iyong interes na ipagbigay-alam sa air carrier ang anumang pangangailangan nang maaga.

Pinapayuhan ng travel agent at gumagamit ng wheelchair na si James Glasbergen na makipag-ugnay sa airline nang maaga bago ang iyong pag-alis. “Siguraduhin na may kamalayan sila ng anumang karagdagan na maaari mong kailanganin,” sabi ni Glasbergen.

Pagkarating mo sa check-in counter, maging matatag sa mga ahente na nais mong umupo sa iyong sariling wheelchair hanggang sa gate. Minsan nais nilang kunin ito nang maaga hangga’t maaari upang makatipid ng kaunting oras. Ngunit hindi mo kakailanganin.

Ang mga carrier ay nag-uulat taun-taon sa U.S. Department of Transportation, na siya namang nag-uulat sa kongreso tungkol sa mga reklamo sa kapansanan na natanggap ng mga airline. Sa pangkalahatan, ang pinakamadalas na reklamo mula sa mga pasahero na may mga kapansanan ay “pagkabigo na magbigay ng tulong sa napapanahong paraan.”

“Sa totoo lang, ang ilan sa mga iyon ay may kinalaman sa mga inaasahan,” ayon kay Heidi MacFarlane ng MedAire, isang kumpanya para sa serbisyong medikal para sa aviation at maritime. “Halimbawa, kahit na hindi ka kinakailangan na humiling ng tulong para sa wheelchair nang maaga, kung makarating ka sa gate at may limang iba pang tao ang humiling ng isang wheelchair na hindi mo ginawa, magkakaroon ng limang wheelchair doon. Makukuha nila ang lima at maghihintay ka upang makuha ang ikaanim. Ganoon ang mangyayari sa magkabilang panig. “

Unawain ang magkabilang panig

“Ang mga empleyado ng airline ay nagsisilbi sa masters,” sabi ni MacFarlane. “Minsan ang kanilang pagganyak ay maaaring hindi maunawan ng ganap.”

Halimbawa, ang mga empleyado ng airline ay maaaring minamadali ang isang pasahero dahil kailangan nilang mapalabas ang isang flight sa tamang oras, hindi dahil ang isang pasahero ay isang abala. Sinusubukan ng empleyado na ibigay ang pinakamahusay na serbisyo at makamit ang kanilang mga layunin.

“Maging sensitibo sa kapaligiran at alamin na ang mga empleyado ng airline ay may kani-kanilang mga stress tulad ng mga manlalakbay,” sabi ni MacFarlane. “Makipag-usap ng lubusan sa mga tauhan ng airline at maging napakatukoy sa iyong kahilingan. Mayroong mga patakaran na dapat sundin at hangganan sa mga responsibilidad ng mga empleyado ng airline.”

“Kung ang isang pasahero ay kailangang tumigil at gumamit ng mga pasilidad,” sabi ni MacFarlane, “kailangan din na ang empleyado ng airline ay huminto at payagan silang gawin iyon, hangga’t hindi nito maaantala ang paglipad. Maaari nilang dalhin ang pasahero sa banyo at yun na yun. ”

“Napakaraming beses na ako, noong ako ay isang ahente sa gate, kung saan pumasok kami sa banyo at sinabi ng pasahero, ‘Kailangan ko ng tulong na makapasok sa stall, sa ang aking pantalon.’ Talagang hindi makatarungan para sa pasahero na asahan iyon sa akin. Ngunit bilang isang tao, hindi ako maglalakad palayo. “

Maging komportable

Sa eroplano, inirerekumenda ni MacFarlane ang pagpili ng isang upuan na pinaka komportable sa iyo. “Hindi pinapayagan ang mga airline na hilingin kang umupo sa ilang mga puwesto,” paliwanag ni MacFarlane. “Pinapayagan sila na paghigpitan ka mula sa pagkakaupo sa batayan ng kaligtasan. Maaaring ipalagay nila na nais mo ang bulkhead seat para sa mas malaking espasyo. Kung hindi ito ang gusto mo, o ayaw mo ng isang upuan sa pasilyo, sabihin sa kanila. Hilingin ang iyong kagustuhan. “

Sinabi ni MacFarlane na sa karamihan ng mga aircraft, 50 porsyento ng mga puwesto sa aisle ang kinakailangang lagyan ng mga nagagalaw na armrest upang maisagawa ang paglipat na patagilid mula sa isang upuan papunta sa kabilang upuan. “Magandang ideya na magtanong nang maaga para sa pagkakaupo sa isang hilera na may nagagalaw na armrest kung kinakailangan.”

Access sa mga banyo habang nasa isang flight

Habang nasa paglipad, “ang bawat sasakyang panghimpapawid na nagtataglay ng higit sa 60 mga upuan at isang madaling ma-access na banyo ay kinakailangan mayroon isang on-board wheelchair upang mapadali ang pagbiyahe papunta at pabalik mula sa banyo,” paliwanag ni MacFarlane. “Kung ang isang indibidwal ay may anumang hirap sa pagkilos, dapat na makagamit sila ng banyo. Sa mga malalawak na sasakyang panghimpapawid, kinakailangan silang magkaroon ng isang madaling ma-access na palikuran. Humiling nang maaga ng pwesto na malapit sa madaling ma-access na banyo.”

Bagaman magagamit ang access sa mga banyo, madalas makarinig si MacFarlane ng mga indibidwal na hindi hina-hydrate ang kanilang sarili upang maiwasan ang on-board na palikuran. “Ang kapaligiran sa loob ng isang sasakyang panghimpapawid ay tuyo na mismo,” sabi ni MacFarlane. “Kung ikaw ay sasakay sa sasakyang panghimpapawid na dehydrated, may mga bagay na maaaring maging napakahirap mula roon at maaaring maging sanhi ng mga problemang medikal. Maging maingat sa hydration at isaalang-alang kung anong mga hakbang ang iyong ginagawa upang maiwasan ang paggamit ng palikuran na maaaring lumikha ng mga medikal na isyu.”

Mag-book ng isang safari

Dalawang beses nang nakapunta sa Africa bago ang kanyang aksidente noong 2007, tuwang-tuwa si Murphy sa pagbabalik para sa dalawang linggong pakikipagsapalaran sa safari sa Kenya.

Nasaktan si Murphy habang nasa dalawang taon ng pagpaplano ng safari. Maraming pag-aalala tungkol sa kung makakapunta pa rin siya. Sa huli, sinabi niyang mahusay ang naging resulta. Habang nasa safari, lilipat si Murphy sa harap na upuan ng sasakyan ng safari, at ang kanyang wheelchair ay ilalagay sa likuran.

Kapag hindi mananatili sa isa sa dalawang mga tent na kampo ng safari, si Murphy at mga kapwa manlalakbay ay tumigil sa iba pang mga tuluyan. “Kasama namin sa buong panahon, ang maraming mandirigma ng Samburu at Maasai,” sabi ni Murphy. “Nandoon sila mula sa segundo nagising ako, hanggang sa minutong natulog ako.” Ang dalawang mandirigma ay malaking tulong, habang tinutulak nila si Murphy sa buhangin at dumi sa tuyong tabing-ilog.

Kinikilala ni Murphy ang pagkakaiba sa pagitan ng paggamit na isang manu-mano o power wheelchair. “Para sa isang tao na nasa isang manu-manong wheelchair,” sabi ni Murphy, “na may malusog na katawan tulad ko, o kung sino mang may kasama na tumutulong sa kanila, hindi magiging problema ang pagdaan sa buhangin.”

Paglalakbay sa London

Noong 2007 sa edad na 13, si Arielle Rausin, nabubuhay na may T11 na pinsala, ay naglakbay sa London, Paris, Switzerland, at Roma kasama ang kanyang pamilya sa loob ng tatlong linggo.

“Sa London, mayroong talagang cool na taxi na mayroong rampa upang makapasok sa taxi,” paliwanag ni Arielle. “Hindi ko na kailangang lumipat papalabas ng aking wheelchair. Dahil dito ay nais ko nang lumipat sa London!”

Kahit nasiyahan si Rausin sa taxi, ang kanyang ina, si Krista, ay hindi masabi ang kaparehong nararamdaman patungkol sa iba pang pampublikong transportasyon. “Ang tren sa London ay hindi ma-access,” sabi ni Krista. “Mayroong napakataas na hagdanan paakyat at kailangan buhatin si Arielle ng aking asawang si Eric at ako naman ang bumuhat ng wheelchair papunta sa plataporma.”

Sa pangkalahatan, ang mga istasyon ng tren sa Europa ay hindi ma-access. “Hindi sila ang pinaka-nakakatuwang bagay sa mundo. Mayroon silang mga hagdan, maraming hagdan. At mga istasyon ng subway din.”

Paglalakbay sa Paris

Ang sumunod na pagtigil sa kanilang biyahe ay ang Paris. “London marahil ang pinakamadali, sapagkat nang makarating kami sa Paris, mayroon pang mas maliliit na kalye,” sabi ni Krista. “Ang mga kalsada ay mas mahirap para kay Arielle, kaya kinailangan ni Eric na itulak ang kanyang manu-manong upuan. Kung nagkaroon siya ng isang power chair, naging madali sana para sa kanya.”

Kapwa nai-highlight ng pamilyang Rausin at ni Mike Murphy ang kadaliang ma-access ng Eiffel Tower. “Mayroon elevator at mga plataporma sa paligid ng Eiffel Tower,” paliwanag ni Krista. “Si Arielle ay maaaring pumunta kahit saan doon. Medyo mahirap para sa kanya na makita ang tanawin dahil sa mga dingding, ngunit nakita pa rin niya.”

Kinilala ni Murphy kung paano nagsikap ang mga tao na tulungan siya. “Mayroong mga tatlong oras na haba na linya sa Eiffel Tower,” sabi ni Murphy. “Inihatid ako, kasama ang aking kapatid na babae at lalaki, sa isang espesyal na pasukan.”

“Ang mga tao ay lubos na tumutulong kahit nasaan kami,” sabi ni Krista. “Naaalala ko noong nasa Paris kami, sa loob ng subway, kukunin lamang ng mga tao ang gilid ng wheelchair (para tulungan si Arielle), at hindi man lang tumingin sa akin o nagbitaw ng salita.”

Isang elevator sa Coliseum

Bumisita din ang pamilya Rausin sa Roma. “Madaling ma-access ang Coliseum,” paliwanag ni Krista. “Ngunit sa tabi mismo ng Coliseum ay may ilang mga guho na maaari mong puntahan, ngunit ang landas ay gawa sa cobblestone. Sinabi namin na gagawin namin ito. Kinarga ni Eric si Arielle, at kinarga ko ang wheelchair.”

Ang eksperto sa paglalakbay na si James Glasbergen ay nagtala kung gaano kadaling ma-access ang Coliseum sa kabila ng napakatagal na ito itinayo. “Ang Coliseum ay higit sa 2000 taong gulang,” sabi ni Glasbergen, “at kamangha-mangha para sa kakayahang ma-access. Mayroong isang napaka-modernong elevator sa loob nito na maaaring pumunta sa pinakamataas na antas at sa pinakababa.”

Bilang karagdagan sa paglalakbay sa Caribbean, Kenya, at London, matapos ang kanyang pinsala, naglakbay din si Mike Murphy sa Roma. Bagaman minahal niya ang Roma, sumang-ayon siya na dahil sa mga kalsadang gawa sa cobblestone, hindi ito ganap na mapupuntahan. “Ang mga lugar tulad ng Roma ay mayroong mga kalye na talagang napakarumi,” paliwanag ni Murphy, na gumagamit ng manu-manong wheelchair. “Nagsusuot ako ng guwantes na walang pang-daliri, kaya’t nilalagyan ko ng tape ang aking hinlalaki, dahil inilalagay ko mismo ang aking hinlalaki sa gulong, at nagiging itim lang ito.”

Inirerekumenda ni Arielle na huwag maglakbay nang mag-isa. “Sa palagay ko magiging matalino ang paglalakbay na may kasama,” sabi ni Arielle. “Napakaraming sagabal.”

Kahit na tulad ng tala ni James Glasbergen, depende ito sa antas ng iyong kadaliang pagkilos. “Para sa mga taong nangangailangan ng tulong,” paliwanag niya, “palagi kong inirerekumenda na dalhin nila ang kanilang personal na tagapag-alaga mula sa bahay sa halip na kumuha ng isa. Mas mahal ito, at hindi mo malalaman kung ano ang makukuha mo.”

Manlalakbay sa daigdig ng naka wheelchair

Si Scott Chesney, isang motivational speaker na nabubuhay na may paralysis (T7), ay dalawang beses na naturingang manlalakbay sa mundo ng naka wheelchair na nakabase sa New Jersey. Una noong 1997, si Chesney ay naglakbay sa 15 bansa sa loob ng 15 buwan; pagkatapos noong 1999, naglakbay siya sa 26 na mga bansa sa loob ng isang taon. “Pangarap kong ang bawat lungsod ay maaaring mag-host ng Olympics,” sabi ni Chesney, na kinikilala ang epekto ng pagkakaroon ng Palaro. “Kapag ang iyong lungsod ay napili upang mag-host ng Palarong Olympics, malinaw na magho-host ito ng Paralympic Games.” Mapipilitan mangako ang mga lungsod na gawing madaling ma-access ang kanilang mga kalye at lokasyon. “Kung gayon ang mga lokal na manggagawa ay sasanayin ang kamalayan at tamang pag-uugali patungo sa kapansanan. Ito ay kamangha-mangha.”

Gayunpaman, ang Athens, Greece ay maliwanag na nakabukod kanyang teorya. “Nagkaroon ng labis na pagtutol mula sa mga drayber ng taksi,” sabi ni Chesney. “Ito ay kakila-kilabot. Nagtago talaga ako sa likod ng mga kotse at ang aking asawa ang magpapatigil sa isang taksi. Bubuksan nila ang pinto, literal na tatalon ako, at mapipilitan silang ihatid ako.”

Kapag naglalakbay, sinisiguro ni Chesney ang pinakamagandang bagay na dapat gawin, ay simpleng makipag-usap sa mga nakapaglakbay na. “Huwag muling likhain ang gulong,” sabi ni Chesney. “Makipagtulungan sa mga nakagawa na nito. Suriin ang kanilang pag-iisip. Ito ang kagandahan ng Internet. Kumonekta sa mga tao sa ibang mga bansa. Alamin kung ano ang naa-access at kung ano ang hindi.”

“Kailangan mong maging pinakamahusay na tagataguyod sa impormasyong iyong nakalap,” sabi ni Chesney. “Kailangan mong gumawa ng angkop na pagsisikap sa pinakamaliit na bagay. At huwag mo itong tingnan bilang kalabisan para masabing hindi ka na babyahe. Huwag, binibigyan mo lamang ang iyong sarili ng kapayapaan ng isip, iyon lang.

Maging tagapagtaguyod

“Ang mga taong naglalakbay,” paliwanag ni Krista Rausin, “ay kailangang manatiling tagapagtaguyod para sa kanilang sarili.”

Sa napakaraming pagkakataon sa kanilang paglalakbay, tumatawag si Krista nang maaga upang matiyak na may kamalayan ang mga opisyal ng airline na ang kanyang anak na si Arielle, ay nangangailangan ng isang upuan na straight-back, isang hugis L na silya na may dalawang gulong na ginagamit upang ihatid ang pasahero sa kanyang puwesto, kung saan siya pagkatapos ay ililipat. Sa kasamaang palad, kinailangan pa ring gawing kamalayan nina Krista at Arielle sa ilang mga airline, nagkakaroon pa rin sila ng mga problema.

Sinabi ni Scott Chesney na umaasa siyang mapabilis ang pagbabago para sa iba pang mga gumagamit ng wheelchair. Hindi niya hinihiling na makatanggap ng isang komplimentaryong silid kung ang isang silid sa hotel ay nagkataong hindi naa-access gamit ang wheelchair, ngunit nais niyang turuan ang namamahala.

“Iyon ay isang tagapagtaguyod,” giit ni Chesney. “Nais mong gawin ang magagawa mo para sa iyong sarili, ngunit nais mo ring bigyang daan ang susunod na tao.”

Tulad ng lahat ng mga pakikipagsapalaran at karanasan sa paglalakbay, mahalagang magkaroon ng kasiyahan. Si Krista ay mayroong pangunahing payo. “Ngumiti ng sobra. Ngumiti lang sa mga tao, at sila ay mas narerelax at nagiging mas handa.”

Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon

Kung naghahanap ka ng karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano mapapagwagian ang iyong susunod na biyahe o may tukoy na katanungan, mayroon mga information specialists tuwing araw ng may pasok at trabaho, Lunes hanggang Biyernes, walang toll sa 800-539-7309 mula 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon ET.

Bilang karagdagan, ang Reeve Foundation ay nagpapanatili ng isang fact sheets sa paglalakbay na may karagdagang mga mapagkukunan mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng Reeve Foundation. Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga mapagkukunan ng estado hanggang sa pangalawang komplikasyon ng paralysis.

Hinihikayat namin kayo na makipag-ugnay sa mga sumusuporta sa mga pangkat at samahan, kabilang na ang:

  • Emerging Horizons ay isang naa-access na magazine sa paglalakbay na sumasaklaw sa mga balita, mapagkukunan at mga tip sa paglalakbay.
  • Environmental Traveling Companions nag-aalok ng mga panlabas na pakikipagsapalaran.
  • Mobility International USA ay mayroong mga programa upang madagdagan ang pakikilahok ng mga taong may kapansanan sa mga international exchange program.
  • Special Needs Group nagbibigay ng mga pinapa-rentahan na kagamitan, kabilang ang mga scooter, wheelchair, powerchair, oxygen, elevator ng pasyente, mga kama sa ospital at marami pa. Hinahatid ang kagamitan sa mga paglalakbay, hotel, sentro ng kombensiyon at iba pang hiniling na lokasyon.