Make twice the difference, give now!

Connect

Pamamahala ng Pagdumi

Paano nakaka-apekto ang paralysis sa pagtunaw at sistema ng pagdumi

Ang digestive tract sa kabuuan nito, ay isang makitid na tubo na nag-uumpisa sa bibig at nagtatapos sa tumbong. Ang pagdumi, ang huling parte ng tract, ay kung saan itinatabi ang mga labi ng natunaw sa tiyan na pagkain hangga’t maalis ang mga ito mula sa katawan sa anyo ng isang dumi, o feces.

Ang paralysis ay gumagambala sa sistema ng pagdumi at nagiging sanhi ng mga komplikasyon mula sa pagkatibi hanggang sa mga aksidente. Kung namumuhay kayo ng may paralysis o naapektuhan nito, mahalagang unawain ang digestive tract at kung paano pamahalaan ang mga komplikasyon sa pagdumi para manapatili ang mabuting kalusugan at magandang kalidad ng pamumuhay.

Ang paglalakbay ng pagtunaw

Mula sa unang pagkagat hanggang sa pagdumi, kailangan sa pagtunaw ang banayad na koordinasyon ng ilang mga organ at ng mga awtomatikong paggana.

Makalipas malunok ang pagkain, ito ay kumikilos sa esopago papunta sa tiyan, na nagsisilbi bilang isang storage bag, at tapos ay papunta sa mga bituka o pagdumi. Ang pag-absorb ng mga nutrients ay nagaganap sa mga maliliit na bituka sa duodenum, sa jejunum at ileum. Ang susunod ay ang colon, na pumapalibot sa abdomen, simula sa kanan ng pataas na colon, na dumadaan sa itaas na tumatawid sa colon, at pababa sa hugis-“s” na sigmoid colon papunta sa puwit, na bumubukas sa tumbong.

Ang mga dumi ay gumagalaw sa dumihan sa pamamagitan ng maayos na mga paninikip ng kalamnan ng colon walls na tinatawag na peristalsis. Ang pagkilos na ito ay pinamamahalaan ng isang network ng mga nerve cell sa iba’t ibang mga antas. Kapag nahatak ang pader ng bituka, ang myenteric plexus nerves ay nag-uutos sa lokal na paggalaw ng bituka t sa pamamagitan ng pagpapasimula ng mga kalamnan sa itaas na mag-unat para mapilit at iyong mga nasa mapababa na ma-relaks, na mag-uudyok sa materyal pababa ng tubo.

Ang susunod na antas ng organisasyon ay mula sa autonomic nerves na mula sa utak at spinal cord papunta sa colon, na nakakatanggap ng mga message sa pamamagitan ng vagus nerve. Ang pinakamataas na level ng kontrol ay mula sa utak para mapag-iba ang dumi at gas, at ang pagpapasya kung kailan dapat alisin.

Ang mga mensahe na ipinapasa sa pamamagitan ng spinal cord ay lumilikha ng kusang pag-relaks ng pelvic floor at sphincter na mga kalamnan, na nagpapahintulot sa maganap ang pagdumi na proseso.

Ang mga epekto ng paralysis sa sistema ng pagdumi

Sa madaling salita, ang paralysis ay gumagambala sa sistema ng pagdumi. Mayroon dalawang uri ng neurogenic bowel dysfunction, depende sa antas ng pinsala: isang pinsala sa itaas ng conus medullaris (sa L1) na nagreresulta sa upper motor neuron (UMN) bowel syndrome; isang lower motor neuron (LMN) bowel syndrome ay nagaganap sa mga injury sa ibaba ng L1.

Sa isang UMN o hyperreflexic bowel, ang kusang pag-kontrol ng external at sphincter ay naaapektuhan; ang sphincter ay nananatiing mahigpit, na nagtataguyod sa paninigas ng dumi at pagpapanatili ng dumi. Ang komplikasyon na ito ay naugnay sa mga episode ng autonomic dysreflexia. Ang mga koneksyon ng UMN sa pagitan ng spinal cord at colon ay nananatiling buo pa, kung sa gayon, ang reflex coordination at paglalabas ng stool ay nananatiling buo. Ang paglalabas ng stool para sa ilang may UMN bowel ay nangyayari sa pamamagitan ng reflex activity na sanhi ng isang stimulus na ipinapakilala sa rectum, tulad ng isang suppository o digital stimulation.

Ang LMN o flaccid bowel ay namamarkahan sa kawalan ng pagkilos ng stool (perstalsis) at mahinang paglalabas ng stool o dumi. Ang nagiging resulta ay pagkatibi at mas mataas na panganib ng incontinence sanhi ng kawalan ng pagagana ng anal sphincter. Para mapakaunti ang panganib ng mga hemorrhoid, gumamit ng mga pampalambot ng dumi, minimal na puwersa habang sinisikap ang paglabas ng dumi, at minimal na pisikal na trauma habang stimulation.

Nangyayari ang mga di inaasahang pagdumi

Ang pinakamabuting paraan na iwasan ang mga aksidente sa pagdumi ay sumunod sa isang iskedyul at turuan ang pagdumi kung kailan dapat kumilos.

Ang karamihan ay may programa sa pagdumi sa isang takdang oras ng araw na angkop sa kanilang uri ng pamumuhay. Ang program ay karaniwang nag-uumpisa sa pagpapasok ng suppository o mini-enema, kasunod ng panahon ng paghihintay na humigit-kumulang ay 15-20 minuto para mapahintulutan na gumana ang stimulant. Makalipas ang oras ng paghihintay, ang digital stimulation ay ginagawa tuwing 10-15 minuto hangga’t wala nang laman ang rectum. Iyong may LMN o flaccid bowel ay madalas na nagsisimula sa kanilang mga programa sa pamamagitan ng digital stimulation o manual na pag-aalis.

Ang mga programa sa pagdumi ay karaniwang kailangan ang 30-60 minuto para makumpleto. Mas mainam, ang programa sa pagdumi ay magagawa sa commode. Gayunman, iyong mga mas nanganganib sa pagkakaroon ng problema sa balat ay kailangang isaalang-alang ang pag-aalaga sa pagdumi sa isang naka-upong posisyon kumpara sa nakatagilid at nakahigang posisyon sa kama.

Ang pagkatibi ay isang problema sa karamihan na may paralysis na nauugnay sa neuromuscular. Maraming uri ng laxative na nakakatulong sa constipation. Ang laxatives tulad ng Metamucil ay nagbibigay ng fiber na kinakailangan para madagdagan ang dami, na nagpapadali sa pagkilos ng dumi sa mga bowel. Ang mga pampalambot ng dumi, tulad ng Colace®, ay nagpaparami ng nilalamang tubig ng dumi, na pinapalambot ito at ginagawang mas madaling ikilos. Ang mga stimulant tulad ng bisacodyl ay nagpapalakas sa mga muscle contraction (peristalsis) ng bowel, na nagpapagalaw sa stool o dumi

Ang madalas na paggamit ng mga stimulant ay nagpapalala sa pagkatibi – ang mga dumi ay pala-asa sa mga ito kahit na sa normal peristalsis.

Ang paggamit ng suppositories

Mayroon dalawang uri ng suppository, parehong batay sa aktibong ingredient na bisacodyl: iyong base sa gulay (hal. Dulcolax) at iyong may polyethylene glycol base (hal. Magic Bullet). Ang mga bullet ay sinasabing doble ang bilis kaysa sa alternatibo.

Ang antegrade continence enema ay isang opsyon para sa ilang may mahirap na mga problema sa pagdumi. Ang pamamaraan na ito ay kinabibilangan ng pag-oopera para makalikha ng isang bukasan (stoma), sa abdomen; ito ay nagpapahintulot sa introduksyon ng liquid sa itaas ng rectum, samakatuwid ay nagdudulot ng mabisang pag-aalis ng fecal material o dumi mula sa bowel. Ang pamamaraan na ito ay lubos na magbabawas sa oras ng pag-aalaga sa bowel at mapapahintulutan ang di pagpapatuloy sa paggamit ng ilang mga gamot.

Mga katotohanan para sa mas mabuting pamamahala ng pagtunaw

Karaniwang hindi kinakailangan na magkaroon ng pagdumi araw-araw. Ok lang ang tuwing makalawa.

  • Mas handang kumilos ang mga bowel pagkatapos kumain.
  • Ang intake ng fluid na dalawang quarts araw-araw ay nakakatulong na mapanatili ang isang malambot na dumi; ang mainit na liquid ay nakakatulong rin sa pagdumi.
  • Ang isang mabuti sa kalusugan na diyeta na kinabibilangan ng fiber sa anyo ng mga bran cereal, mga gulay at prutas ay nakakatulong sa patuloy na paggana ng digestive process o pagtunaw ng pagkain.
  • Ang aktibidad at ehersisyo ay nagtataguyod ng mabuting kalagayan ng bowel.

Ang ilang mga medikasyon na karaniwang ginagamit ng mga tao na may paralysis ay nakaka-apekto sa pagdumi. Halimbawa, ang anticholinergic na mga gamot (para sa pag-aalaga ng pantog) ay maaaring magresulta sa pagkatibi o kahit na paghaharang sa pagdumi. Dagdag pa dito, may ilang mga gamot na maaaring magresulta sa constipation tulad ng antidepressant drugs, tulad ng amitryptyline; narcotic pain medications; at ilang mga gamot na ginagamit para sa paggagamot ng spasticity, tulad ng dantrolene sodium.

Marami ang nag-uulat ng malaking pagbuti sa kalidad ng kanilang buhay pagkatapos ng colostomy. Ang opsyon sa pag-oopera ay lumilikha ng isang permanenteng bukasan sa pagitan ng colon at ibabaw ng abdomen kung saan nakakabit ang stool collection bag. Ang colostomies ay minsang kinakailangan dahil sa fecal soiling o pressure sores, patuloy na stool incontinence, o sobrang matagal na mga bowel program. Pinapahintulutan nito ang mga tao na mapamahalaan ang kanilang bowel mag-isa, at, mas mabilis ang colostomy kaysa sa ibang mga programa sa pagdumi.

Ipinapakita sa mga pag-aaral na ang mga taong sumasailalim sa colostomies ay nasiyahan at hindi ibababalik sa dati (reverse) ang procedure.

Habang hindi nais ng iba ang ideya ng colostomy sa umpisa, ang procedure ay maaaring may malaking pagkakaiba sa kalidad ng buhay, na nababawasan ang oras ng bowel hanggang sa walong oras sa isang araw at nagiging hindi mas matagal sa 15 minuto.

Pag-aakisaso sa pagdumi

Naiangkop na Kagamitan para Makakilos Mag-isa: Mga Kagamitan para sa Pamamahala sa Pagdumi

Lubos na personal ang pag-aalaga sa bowel! Ang bidyo na ito ay nagdidiin kung paano ang isang taong may spinal cord injury sa C7 ay gumagamit ng naiangkop na kagamitan para asikasuhin ang kaniyang pagdumi. Ang mga bagay na ito ay matatagpuan online o sa tulong ng isang occupational therapist.

Ang bidyo na ito, na nilikha ng Christopher & Dana Reeve Foundation at Craig Hospital, ay nagdidiin sa mga gumaganang kagamitan o naiangkop na kagamitan na available sa mga taong may kahinaan sa kamay na nais na maging mas malaya sa pagkilos mag-isa sa kanilang pang-araw araw na mga aktibidad.

Mga Mapagkukuhanan ng Tulong at Impormasyon sa pag-aasikaso sa Pagdumi

Kung naghahanap kayo ng mas maraming impormasyon sa ALS o may tiyak na tanong, ang aming information specialists ay available tuwing may araw ng pasok, Lunes-Biyernes, toll-free 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.

Para sa karagdagang impormasyon sa pag-unawa sa iyong sistema ng pagdumi at mga karagdagang mapagkukunan ng impormasyon at tulong mula sa pinagkakatiwalaan sa Reeve Foundation na mga mapagkukunan, maaaring i-download ang aming fact sheet sa pangangalag ng pagdumi at check out our repository of fact sheets sa ga daan-daang paksa mula sa pagtanda na may spinal cord injury sa sekondaryang mga komplikasyon ng paralysis. I-download ang aming booklet sa Pamamahala sa Pagdumi (Bowel Management), na ipinagkakaloob sa inyo na kapartner ang Hollister.

Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong: University of Alabama at Birmingham, University of Washington School of Medicine, ALS Association, National Multiple Sclerosis Society